-- Advertisements --
nancy binay 1
bong revilla
koko pimentel 1
lito lapid 1
francis tol tolentino
imee marcos 1
sonny angara 1
bato dela rosa
pia cayetano
bong go
grace poe 1
cynthia villar 1

Pormal nang naiproklama ang 12 mga nanalong senador sa katatapos lamang na 2019 midterm elections.

Pasado alas-10:00 na ng umaga nang magsimula ang programa.

Una rito, madaling araw nang pumasok ang final canvass sa National Board of Canvassers (NBOC) na nasa Philippine International Convention Center (PICC).

Kompleto ang 12 mga nahalal na senador na nakapasok sa Magic 12 ang pumunta kasama ang kanilang mga pamilya sa ginanap na espesyal na programa na meron pang red carpet welcome.

Sa darating na July 1 magsisimula ang termino ng mga nanalong kandidato sa buong bansa.

Narito ang final rankings ng mga nanalong senador:

  1. Cynthia Villar – 25,283,727
  2. Grace Poe – 22,029,788.
  3. Christopher “Bong” Go – 20,657,702
  4. Pia Cayetano – 19,789,019
  5. Ronald “Bato” Dela Rosa – 19,004,225
  6. Sonny Angara – 18,161,862
  7. Lito Lapid – 16,965,464
  8. Imee Marcos – 15,882,628
  9. Francis Tolentino – 15,510,026
  10. Aquilino “Koko” Pimentel III – 14,668,665
  11. Ramon “Bong” Revilla – 14,624,445
  12. Nancy Binay – 14,504,936
duterte fist bump senators

Samantala, sa ginanap namang photo opportunity matapos tanggapin ng mga incoming senators ang kani-kanilang certicates of votes mula sa Comelec, napansin na tanging si Senator-elect Bong Go ang walang kasama sa stage.

Simple rin lamang ang suot nito na naka-t-shirt na pula taliwas sa ibang mga kasama naka-gown o nagpasadya ng damit at barong Tagalog.

Kabilang din sa mga agaw atensiyon ay si Sen. Nancy Binay kung saan umakyat sa stage para sa picture taking sina dating Vice-President Jejomar Binay na natalo sa pagka-kongresista at ang naglaban na sina Makati Mayor Abby Binay at ang kapatid na si Jun-Jun Binay.

Hindi rin naman nagpahuli sa pagdalo para kay incoming Sen. Imee Marcos si dating first lady at ngayon ay Ilocos Rep. Imelda R. Marcos, na sinamahan din nina Irene, dating Sen. Bongbong Marcos at iba pa.

Mistula namang all-star cast sa picture taking si Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa, dahil inimbitahan si Defense Sec. Delfin Lorenzana, PNP chief Gen. Oscar Albayalde, NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, at ilan pang security officials.

Sa panig ni Sen. Grace Poe, nagsama rin ito ng powerhouse cast sa katauhan ng beteranang actress na si Ms. Susan Roces.

Ang nagbabalik na mga senador na sina Bong Revilla at Lito Lapid ay agaw pansin din.

Ang No. 1 naman na si Sen. Cynthia Villar ay kasama ang businessman billionaire at dating Senate Pres. Manny Villar at iba pa miyembro ng pamilya.

Ang senadora rin ang nagbigay ng mensahe dahil siya ang nanguna sa senatorial race.

Kabilang sa pinasalamatan ng mambabatas ay si Pangulong Rodrigo Duterte, Davao City Mayor Sara Duterte at sa Hugpong ng Pagbabago dahil sa walang sawang suporta na ibinigay sa kanila.

Pinuri rin nito ang Comelec sa pagtitiyak ng isang maayos at tapat na halalan.

Nangako naman din si Villar na gagawin niya ang kanyang makakaya para mabigyan ng “hanep na buhay” ang taongbayan sa pamamagitan nang pagsusulong ng mga makabuluhan at kapaki-pakinabang na mga panukalang batas sa 18th Congress.

Note: Pls. click above on Sen. Cynthia Villar’s speech during the NBOC proclamation

Kasabay nito ay kanyang tiniyak ang isang malakas pero independent na Senado kahit pa mayroon nang “supermajority” sa mataas na kapulungan. (with reports from Bombo Dennis Jamito and Bombo Dave Pasit)

PROCLAMATION COMELEC SENATORS