Malaki pa rin ang magiging epekto sa boto ng mga national candidates ang mahigit isang milyong turnout sa Jones, Isabela na inaabangan ng Commission on Elections (Comelec) kaya naman hindi pa sigurado ang isasagawang proklamasyon bukas.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, alas-7:00 pa kasi posibleng makarating sa Comelec command center sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City ang certificate of canvass (CoC) mula sa Isabela kaya’t hindi pa 100 percent sure ang proklamasyon.
Hindi raw sila makakapagproklama dahil nasa 1,050,681 ang inaabangang boto sa Jones at malaki ang epekto nito sa senatorial post lalo na ang mga nasa ika-12 hanggang ika-14 na boto.
Pero todo pa rin naman daw ang kanilang paghahanda sakaling matuloy ang proklamasyon.
Samantala, ayon Kay Jimenez sa kanilang monitoring sa special elections sa Jones nasa 50 percent nang registered voters ang nakaboto at wala namang naiulat na problema sa mga vote counting machines (VCM).
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, sakaling matuloy bukas ang proclamation, sa umaga isasagawa ang proklamasyon sa mga nanalong party-list groups habang sa gabi naman sa mga nanalong senador
Sa ngayon pending pa rin ang mga certificate of canvass mula Isabela.
Sa overseas absentee voting naman hindi pa nakakarating ang mga CoC mula Japan, 76,166; Kingdom of Saudi Arabia, 326,620; Washington DC sa Estados Unidos, 228,472; Abuja, Nigeria, 1,999.
Aabot pa ito sa 1,673,938 voters.