Inaasahan na opisyal na iproproklama si Charles bilang King ang successor at eldest son ng yumaong si her Majesty Queen Elizabeth II sa araw ng Sabado.
Isasagawa ito sa St. James Palace sa London sa harapan ng ceremonial body na kilala bilang Accession Council.
Binubuo ito ng mga miyembro ng Privy Council na isang grupo ng nagdaan at kasalukuyang senior MPs at ilang senior civil servants, Commonwealth high commissioners, and Lord Mayor of London.
Sa naturang seremoniya, iaanunsiyo ng Lord President of the Privy Council ang pagpanaw ni Her Majesty Queen Elizabeth II at iproproklama naman si Charles bilang King.
Ang naturang proklamasyon ay lalagdan ng ilang senior personalities kabilang ang prime minister, Archbishop of Canterbury, at ang Lord Chancellor.
Una rito, tatawagin bilang King Charles III ang successor at eldest son ng yumaong Her Majesty Queen Elizabeth.
Ito ang unang desisyon na ginawa ni Charles bilang bagong hari na kaniyang pinagpilian mula sa kaniyang apat na pangalan na Charles Philip Arthur George.
Bagama’t tagapagmana ng trono, hindi naman awtomatikong magiging Prince of Wales si Prince William – na kailangang ipagkaloob sa kanya ng kanyang ama. Namana niya ang titulo ng kanyang ama na Duke of Cornwall habang sina William at Kate ay tatawagin naman bilangDuke at Duchess ng Cornwall and Cambridge.
Magkakaroon din ng bagong titulo ang may-bahay ni Charles na si Camilla na magiging Queen Consort kung saan ang terminong consort ay ginagamit para sa spouse ng monarch.