-- Advertisements --
Posibleng abutin ng apat na araw ang Commission on Elections (Comelec) bago nito maiproklama ang mga nanalong senatorial candidate sa 2025 midterm elections.
Ito ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na tatlo hanggang apat na araw ang magugugol sa pagbibilang ng mga boto para sa senatorial bets sa halalan sa susunod na taon.
Aniya, bukod sa mga boto na nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kailangan pang hintayin ang mga boto na dumarating mula sa ibang bansa.
Gayunpaman, patuloy ding na pinaaalalahanan ng ahensya ang publiko na ang voter registration activities para sa 2025 national at local elections
ay tatakbo hanggang Setyembre 30 at walang na itong extension.