Posibleng magtagal pa umano hanggang “ber” months ang kasalukuyang prolonged COVID-19 wave sa bansa.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang kasalukuyang wave ay mas matagal kesa sa inaasahan kung ihahalintulad sa tumamang Omicron BA.4 sa South Africa na nagtagal lamang ng dalawang buwan.
Paliwanag ni Dr. David, nagsimula na umanong maranasan ang COVID-19 wave noong Hunyo kung kayat inaasahan na huhupa na ito ngayong buwan dahil nasa ikalawang buwan na.
Subalit hindi pa niya nag-peak ang COVID-19 cases kung kaya’t nakikitaan na magtatagal pa ito ng apat hanggang sa limang buwan o hanggang sa ber months.
Paliwanag ni Dr David, ang prolonged COVID-19 wave sa bansa ay marahil dahil sa ibang variants na nagdudulot ng karagdagang infections.
Isa pa sa dahilan ay ang paghina ng immunity mula sa bakuna dahil sa mababang bilang ng mga indibidwal na nagpapaturok ng COVID-19 booster dose kung kayat bumababa ang antibody levels.
Paalala naman ni Dr. David na mahalaga pa rin na ipagpatuloy ang pagsunod sa public health standards.
-- Advertisements --