GENERAL SANTOS CITY – Hindi umano alam ng mga Pinoy workers sa Hong Kong kung kailan magwawakas ang kanilang kalbaryo dahil sa karahasan at umiinit pang tensyon sa siyudad.
Naniniwala si Bombo international correspondent Leah Almazan, marami pa umanong naka-schedule na mas matinding kilos-protesta na gagawin ang mga anti-government protesters.
Una na silang binalaan ng consulate at naiulat na rin sa mga balita ang hinggil dito kaya’t kailangang iwasan ang mga lugar na may mga gulo.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, sinabi ng Pinay na kapansin-pansin na apektado na ang turismo sa Hong Kong dahil sa malawakang rally.
Aniya, kaliwat-kanan din ang promo at sale sa Hong Kong dahil sa maraming establisyemento at mga tindahan ang nagsara na karamihan ay nagdeklara ng bankruptcy.