-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang babae sa pamamaril sa lungsod ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Rona Jane Solar Solaiman, 26 anyos, may asawa. Promodizer ng Mall of Al-Nor at residente ng Block 2 Notre Dame Village Barangay Rosary Heights 8 Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Richard Fiesta na habang naglalakad ang biktima sa Purok 2 San Vicente Street Barangay Rosary Heights 9 papauwi na ng kanyang tahanan ng bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa syudad ng Cotabato.

Naisugod pa si Solaiman sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang Cotabato City PNP sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.