-- Advertisements --

ca2

Inaprubahan na ng Commission on Appointments (CA) ang promotion ng nasa 30 Senior AFP Officers, kahapon October 14.


Kabilang sa mga heneral na naconfirm ng Commission on Appointments ay si MGen. William Gonzales ang Commander ng Joint Task Sulu.

Kasama sina Maj.Gen. Fernyl Buca, Commodore Roy Vincent Trinidad, Commodore Alfonso Torres Jr, BGen. Leonel Nicolas at BGen. Zosimo Oliveros.

Nagpasalamat naman ang liderato ng AFP sa CA sa pamumuno ni Senate President Tito Sotto na hindi sila nag-atubiling aprubahan ang promotion ng mga nasabing senior military officers na karamihan dito ay nasa frontline.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay mahalaga sa bawat sundalo ang kanilang promotion lalo na sa kanilang misyon bilang isang sundalo.

Ang promotion kasi ay simbolo ng commitment sa kanilang trabaho para mas lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang trabaho.