-- Advertisements --
Cordillera Mt Province

BAGUIO CITY – Patuloy ang pagsasagawa ng Department of Agriculture (DA) Cordillera ng iba’t ibang aktibidad para sa promotion ng halal agriculture sa Cordillera Administrative Region.

Nagsagawa ang ahensiya ng dalawang-araw na training para sa mga magsasaka sa Benguet tungkol sa Establishment of Halal Farms for Crops.

Ayon sa DA-Cordillera, layunin ng training ang paghikayat sa mga magsasaka na magparami ng kanilang produksion para sa mas magandang market access sa Halal agriculture at fishery products sa parehong domestic at export.

Ilan sa mga natalakay sa training ay ang pagbuo ng DA Halal Food Program Regulatory System/Framework; Halal Standards and Enabling Rules and Regulations; karagdagang Halal Agriculture and Fishery Production at iba pa.