LEGAPZI CITY – Isinisisi ni dating National Task Force on Covid-19 special adviser Dr. Tony Leachon sa Food and Drugs Administration (FDA) ang pagkawala ng tiwala ng publiko maging ng mga healthcare workers sa Sinovac vaccines na mula sa China.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Leachon, pinag-ugatan nito ang naging pronouncement ng FDA na hindi pwedeng gamiton ang Sinovac sa mga healthcare workers at sa mga senior citizens dahil sa mababang efficacy rate nito.
Una dito, napag alaman na bumagsak sa 8% mula sa dating 94% ang bilang ng mga healthcare workers sa Philippine General Hospital (PGH) na gustong tumanggap ng bakuna ng mapag-alamang Sinovac vaccine ang unang dumating sa bansa
Binigyang diin ni Leachon na malaki ang naging collateral damage ng naturang pronouncement na kung saan pano aniya magiging mabuti sa mga edad 18 hanggang 59-anyos kung mismong sa mga frontline workers ay hindi pwede ang naturang bakuna.
Dapat aniya pinag-isipan muna ng FDA ang magiging epekto nito bago nagpalabas ng pahayag lalo pat mayorya ng publiko ang tatanggap ng bakunang Sinovac.
Suhestiyon naman ni Leachon na magsagawa ng malalimang pagsusuri ang mga magagaling na Health Technology Assessment Committee upang malaman kung epektibo at ligtas talagang gamiton ang Sinovac para maibalik ang tiwala ng publiko sa bakuna.