-- Advertisements --

Pinangalanang “Powehi” ni Professor Larry Kimura, isang propesor sa Hawaii University, ang black hole na natuklasan matapos opisyal na ilabas sa publiko ang kauna-unahang imahe ng black hole na kuha mula sa walong radio telescope sa buong mundo.

Ang salitang “Powehi” ay galing sa Kumulipo, ang creation chant ng mga taga Hawaii noong 18th century. Kung saan ang ibig sabihin ng “po” ay dark creation at ang “wehi” naman ay honored with embellishments.

Sa pahayag na inilabas ni Kimura, itinuturing nito na isang pribilehyo na siya ang nagbigay ng pangalan ang kauna-unahang scientific confirmation ng black hole.

Napili umano na Hawaiian name ang ibigay sa nasabing black hole dali gumamit daw ng dalawang Hawaiian telescope ang mga siyentipiko habang isinasagawa ang proyekto.

“As soon as he said it, I nearly fell off my chair,” saad ni Jessica Dempsey, deputy director ng James Clerk Maxwell Telescope.

Isa si Dempsey sa 200 siyentipiko na gumawa ng paraan upang makuhaan ng imahe ang black hole sa M87 galaxy.

“We described what we had seen and that this black hole was illuminating and brightening the darkness around it, and that’s when he came up with the name,” dagdag ni Dempsey.