-- Advertisements --

Tuloy na tuloy na ang propose drainage plan sa lalawigan ng Laguna ito’y matapos sumailalim ang bayan ng Binan at Santa Cruz sa matagal na pagbaha na tumatagal ng tatlong buwan.

Ayon kay Aldwin Cejo head ng Laguna, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) inihahanda na ng kanilang opisina ang mga plano kasama ang pamahalaan ng Laguna para sa isasagawang dredging sa Laguna De Bay.

Sa kasalukuyan umaabot lang sa 2.8 meters ang kabuuang lalim ng lawa na siyang dahilan para mabilis itong mapuno o umapaw na dulot ng malalakas na pag-ulan ng mga nagdaang bagyo.

Ang Laguna De Bay rin ang itinuturing na pinakamalaking lawa sa Pilipinas na may sukat na aabot sa 911 hanggang 949 square kilometer. Dagdag pa ni Cejo, kinakailangan umano ng lawa na lalim na aabot sa 6 na metro upang ng sagayon ay ma-accommodate ang mga tubig ulan.

Para naman sa transportation ay nakapag deploy na ang lalawigan ng mga banka upang tugunan ang pangangailangan ng mga residente sa lugar. Bagama’t hindi na madaanan ay nagtayo naman ang mga lokal na pamahalaan ng tulay na gawa sa kahoy na lalakaran ng mga residente papunta sa kani-kanilang mga tahanan.

Tiniyak naman ng PDRRMO, may sapat na evacuation center para sa mga gustong lumikas kasunod ng pagtagal ng baha sa nasabing mga lugar.

Samantala, sinabi naman ni Rep. Dan Fernandez na sinisimulan na ng kanyang tanggapan ang pagcontain kung saan ay haharangin nila yung mga tubig na dumadaan sa mga lugar na madalas binabaha.