Isinalang sa pagdinig ng Senate Committee of Finance ang proposed budget ng Office of the Ombudsman para sa fiscal year 2023.
Mismong si Ombudsman Samuel Martirez ang humarap sa komite para idepensa ang 2023 budget ng kanyang tanggapan.
Ang 2023 budget ng Office of the Ombudsman ay P4.781 billion batay sa inaprubahan ng Department of Budget and Management alinsunod sa Saligang Batas at sa Republic Act 6770 na may kinalaman sa fiscal autonomy.
Sa naturang pagdinig, inamin naman ni Ombudsman Martirez na hindi sila maaaring magmalinis dahil sila mismo ay lumalaban din sa korupsyon sa loob ng kanilang tanggapan.
Sadyang mahirap daw mahuli ang mga tiwali sa loob ng Office of the Ombudsman dahil mautak at maparaan para hindi mabisto.
Samantala hinikayat naman ni COA Commissioner Roland Cafe Pondoc sa kanyang budget presentation na ibalik ang tinapyas na Personnel Services (PS) at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) budgets ng COA.
Nasa P14.536 billion budget ang hiniling ng COA pero P13.813 billion lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).