CAGAYAN DE ORO CITY-Mas lalo umanong humina ang pagsisikap na maisulong ang pagpalit ng unitary form of government tungo sa sistemang pederalismo ang bansa.
Ito ang reaksyon ni dating Cagayan de Oro City Mayor Atty Reuben Canoy sa pagpanaw ng federal advocate na si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr dahil sa iniindang kanser.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Canoy na kay Pimentel sila humuhugot ng lakas para tuloy-tuloy ang pagsulong ng pederalismo na binigyang prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ni Canoy na nawalan ng isang bayani ang bansa sa katuuhan ni Pimentel na walang ibang layunin kung hindi ang maiangat ang kalagayan ng taong-bayan.
Sina Pimentel,Canoy at Atty Homobono Adaza ang dating bumubuo noon ng Mindanao Alliance Party na nagsusulong ng pederalismo hanggang nagkahiwa-hiwalay dahil sa biglang pag-iiba ng kanilang political alliances.