-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tinalakay na ng Regional Development Council o RDC-XII Macro-Economy Development Administration and Finance Committee (MEDAFC) ang proposed cityhood ng Midsayap, Cotabato.

Kinakailangan na lamang makompleto ang requirement para maging ganap nang siyudad ang nabanggit na bayan.

Kabilang sa mga requirements ng RDC XII, na inihahanda na ng LGU-Midsayap, ay ang Revenue Generation Capacity, Population at pati na ang Land Area.

Hinihikayat naman ng RDC XII ang Sangguniang Bayan ng Midsayap na magpasa ng resolusyon na humihiling sa mambabatas ng unang distrito ng North Cotabato na tugunan ang layuning maging lungsod ito.

Ang Midsayap ay kabilang sa pinaka-competitive na bayan sa buong bansa at nangunguna din sa Region XII.

Bukod pa rito, ang nabanggit na bayan din ang may pinakamaraming bangko, shopping centers, fastfood chains, college schools at iba pang mga establisyemento na may kinalaman sa kalakalan sa buong rehiyon.

Ito na ang ikalawang beses na susubukang maging ganap na siyudad ang Midsayap.

Maliban sa Midsayap, kabilang din sa umaasang maging ganap nang siyudad ang mga bayan ng Polomolok sa South Cotabato at Isulan sa Sultan Kudarat.

Kung itoy maisasakatuparan, magkakaroon na ng tig-dadalawang lungsod ang mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat at North Cotabato.