-- Advertisements --

Ibinunyag ni Prosecutor General Richard Fadullon na ang counter affidavit ni Atty. Harry Roque ay na-notarize sa Abu Dhabi.

Una rito ay nagsumite si Roque ng counter-affidavit sa Department of Justice (DOJ) bilang sagot sa qualified trafficking complaint na inihain laban sa kaniya.

Pero ayon kay Fadullon, laman ng affidavit na isinumite ng mga abugado ni Roque ay ilang dokumento na na-notaryuhan pa sa Abu Dhabi.

Ayon kay Fadullon, magsasagawa sila ng clarificatory hearing para kumpirmahin kung nasaan si Roque.

Sa kasalukuyan ay mayroong Immigration Lookout Bulletin na inilabas laban kay Roque.

Mayroon din itong arrest order na unang inilabas ng Kamara de Representantes kasunod ng ilang beses niyang hindi pagsipot sa pagdinig ng Quad Committee.