Ibinasura ng Taguig City Prosecutor’s Office ang kasong illegal detention at grave coercion na isinampa laban kay Mayor Lani Cayetano at tatlong iba pang indibidwal.
Ito’y kasunod ng reklamo ng apat na opisyal ng Makati City nang ipasara ng Taguig LGU ang Makati Park and Garden and the Makati Aqua Sports Arena (MASA) noong March 1 at 3 dahil sa kawalan ng permit.
Sa 14 na pahinang resolusyon, binigyang diin ng prosecutor ang kabiguan ng mga nagrereklamo na maglatag ng matibay na ebidensya laban sa mga inirereklamo.
Nag-ugat ang kaso dahil sa di umano’y pagkulong ng mga opisyal ng Taguig sa mga nagrereklamo at pinagbawalan din umano silang makalabas masok sa naturang parke.
Batay sa naging pagsusuri ng Prosecutor’s Office, wala anilang ebidensyang direktang nag-uugnay sa mga inirereklamo sa insidente.
Giit pa ng Taguig LGU, ang Makati Park and Garden and the Makati Aqua Sports Arena (MASA) ay nakapaloob na ngayon sa Brgy. West Rembo na kabilang sa 10 EMBO Barangay na iginawad sa siyudad ng Taguig ng Korte Suprema