-- Advertisements --
makati

Binigyang diin ng isang prosecutor na hindi dapat magmatigas si Makati Mayor Abby Binay at sa halip ay tanggapin nalang nito ang unintended consequences hinggil sa territorial dispute sa pagitan ng Taguig at Makati.

Kung maaalala, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Binay ay iniakyat ng Lungsod ng Makati sa Korte Suprema ang naturang usapin.

Ayon kay Prosecutor Atty. Darwin Canete, nang iakyat ng kanilang lungsod ang kaso sa Supreme Court at hingan ang mga mahistrado ng final determination sa isyu at dapat batid na nito na maaari silang matalo o manalo.

Paglalahad pa ni Atty. Canete na ang paghahabol sa revenue-rich ng Bonifacio Global City ay una ng pinursige ng Makati City sa panahon ni dating Makati City Mayor Jejomar Binay,Junjun Binay at Abby Binay.

Naniniwala rin ito na dapat ay naging handa na ang kanilang lokal na pamahalaan sa pinal na desisyon ng Korte sa kaso.

Giit pa ni Canete na lahat aniya ng kaso ay may katapusan.

Punto na nito na kung siya ang tatanungin ay hindi na lang sana hinabol ng Makati City ang pagmamay-ari ng BGC , sa ganitong paraan ay hindi sana naagaw sa kanila ang EMBO barangays na kilalang balwarte ng mga Binay.

Ipinaliwanag ni Canete na sa una pa lamang na desisyon ng Pasig City Regional Trial Court ay makikita nang dehado ang Makati dahil pinanghahawakang titulo at presidential order ang Taguig

Kung titulo at presidential order ang hawak na ebidensya ng Taguig, ang iprinisinta naman ng Makati ay land survey na mula sa isang private contractor.