Kumbensido ang prosekusyon na tumanggap ng P70.7 million halaga ng kickbacks si dating Sen. Jinggoy Estrada mula sa convicted plunderer Janet Lim Napoles.
Sinabi ng mga prosecutors mula sa Ombudsman na batay sa panibagong report ng Anti-Money Laundering, masasabi raw nila na may kinalaman sa kontrobersiyal na pork barrel fund scam ang dating senador.
Iprinisenta ng prosekusyon ang bagong AMLC report kasabay ng kanilang paghain ng pagtutol sa mga hakbang ni Estrada na hamunin ang kinakaharap nitong plunder case.
Ayon sa prosekusyon, dumiretso sa bulsa ni Estrada ang naturang halaga nang maglaan ito ng P183.79 million mula sa kanyang Priority Development Assistance Funds sa mga bodus foundations ni Napoles.
“Out of the P183,793,750.00 reflected in the [daily disbursement report] and summary of rebates, the amount of P70,748,750.00 was confirmed by the AMLC to have been received by Estrada,” saad ng prosekusyon.
“Such verification and confirmation by the AMLC is nothing less than corroborative to the testimony on record that indeed Estrada received kickbacks/commissions, therefore amassing, accumulating and acquiring ill-gotten wealth,” dagdag pa nito.