LAOAG CITY – Masaya si Most Rev. Renato Mayugba, ang Bishop ng Diocese of Laoag dahil sa opisyal na pagsisimula ng proseso ng canonization at beatification na pagiging santo ni Niña Ruiz-Abad na ginanap sa St. William Cathedral sa lungsod ng Laoag dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Idinaos ang 1st session ng canonization at beatification ni Abad bilang bahagi ng kanyang pagiging santo sa pangunguna ni Bishop Mayugba.
Nagsimula ang seremonya sa pag martsa ng mga miyembro ng Diocese of Laoag at pagkatapos nito ay nagsimula na ang pagbabasa sa talambuhay ni Abad at pagkatapos ay ang mga dokumento ay iniabot kay Bishop Mayugba kung saan kinumpirma niyang legal ang mga ito.
Matapos ang kumpirmasyon ng obispo, ang mga dokumento ay ibinigay niya sa Officials of Tribunal na binubuo nina Rev. Noel lan G. Rabago bilang Episcopal Delegate, Rev. Engelbert B. Elarmo bilang Promoter of Justice, Rev. Rey Magus S. Respicio bilang Notary at si Rev. Joel Bruno C. Barut bilang Substitute Notary.
Kaugnay nito, naglalaman din ang mga dokumento ng mga testimonya na may mga milagrong nangyari umano sa mga tao bago ideklara ang proseso ng canonization at beatification.
Gayunpaman, nagkaroon ng signing of oath kung saan tiniyak nila na hindi mailalathala ang impormasyong makukuha sa panahon ng canonization at beatification at hindi nila lilimitahan ang kalayaan ng mga testigo gayundin ang mga taong tumestigo sa mga milagro na magagamit sa pagiging opisyal na santo ni Abad.
Dahil dito, isang living testimony na kung saan ay isang estudyante ng Holy Spirit Academy sa lungsod ng Laoag kung saan siya dumanas ng malubhang karamdaman at sinabing naniniwala siya kay Abad at may himala sa kanyang buhay.
Dagdag pa rito, ang ina ni Niña na si Atty. Corazon Ruiz-Abad na kung siya ay magiging santo, si Niña ang magiging unang santo sa buong Ilocos Norte.
Samantala, nagkaroon ng pamamahagi ng unang prayer relic para kay Abad kung saan mayroon itong relic na may nakdikit na maliit na tela na pinaniniwalaang galing ito sa mga damit ni Abad.
Una rito, pinayagan na ng Vatican ang pagsisimula ng imbestigasyon para sa posibleng pagiging santo ng 13-anyos na Ilokana na si Niña Ruiz-Abad.