-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Transportation na matagumpay ang isinagawang proseso ng consolidation kahit pa ilang beses na naurong ang deadline nito.

Umabot na kasi sa pitongpung porsyento o 70 percent ang bilang ng mga operator na nakapag-consolidate na mga prangkisa sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni Andy Ortega chairman ng Office of Transportation Cooperatives ng DOTR kasunod ng franchise consolidation deadline para sa PUV modernization program nitong Disyembre 31, 2023.

Dagdag pa ni Ortega, posible ring umakyat ng 50% ang kabuuang bilang ng mga operator na nakapag-consolidate Metro Manila

Inaasahan naman aniya na maisasapinal ang datos ng mga nakatalima na sa consolidation bukas dahil sa dami ng sumapi o nakabuo ng kooperatiba o korporasyon.