-- Advertisements --

jb5

Nagpulong sina Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya at ang VaxCertPH Team sa Quezon City government upang mas mapabuti pa ang proseso ng pagre-release ng vaccination certificate sa mga QCitizen na nagre-request nito.

Ang nasabing pulong ay pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Mike Alimurung, City Information Technology and Development Department Head Paul Padilla, at QC Vax to Normal co-chairperson Joseph Juico, habang sina Usec. Emmanuel Rey Caintic at Asec. Evamay Dela Rosa naman ng Department of Information and Communications Technology para sa VaxCertPH.

Inilunsad noong September 6, ang vaccination certificate mula sa VaxCertPH ay ang natatanging verified at accredited certification mula sa Philippine government na nagpapatunay na bakunado na ang sinumang kinakailangan o nais lumabas ng bansa, tulad ng mga OFW.

Target ng lungsod na makapaglagay ng VaxCert booth sa bawat distrito ng lungsod.