-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sinisimulan na ang proseso sa pag uwi sa bansa ng Pinay drug mule convict sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega na may binubuo ng team ang Department of Justice (DOJ) sa pakikipag tulungan sa DFA at NBI na siyang makikipag usap sa Indonesia hinggil sa proseso sa paglipat ng isang detainee mula sa ibang bansa.

Inihayag ni De Vega na hindi pa alam ni Mary Jane Veloso ang magandang balita tungkol sa kanya dahil hindi pa nila sinasabi ang balita dahil hindi pa naman ito opisyal.

Sa ngayon pinaplantsa pa nila kasama ang Indonesian government ang magiging term of transfer ni Veloso.

Mababatid na mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nag kumpirma kaninang umaga na mapapauwi na sa Pilipinas si Mary Jane, matapos mag desisyon ang Indonesia na ipasa sa Pilipinas ang physical custody kay Veloso.

Si Veloso ay nakulong sa Indonesia noong 2010 dahil sa kasong drug trafficking at nahatulan ng parusang kamatayan.