BUTUAN CITY- Nagbabala ang Provincial Veterinary Office o PVO kasama ang Municipal Agriculture Office matapos na ang probinsiya ng Prosperidad, Agusan del Sur ay nagtala ng positibo sa African Swine Fever.
Kaya mayroong dapat sundin na mga angkop na hakbang upang maiwasan ang sakit pati na rin upang maiwasan itong kumalat sa ibang mga lalawigan maliban sa loob ng nasabing lugar.
Ang una ay ang pagbabawal sa pagbili ng karneng baboy pati na rin ang mga pino-prosesong pagkain tulad ng Chorizo, Longganisa, at Tocino sa labas ng lalawigan.
Pangalawa huwag bigyan ng pagkain ang alagang baboy na nasa maraming tao.
Pangatlo ay ang panatilihin ang kalinisan sa mga kulungan nga baboy pati na rin ang maglagay ng footprint bago pumasok sa kulungan ng baboy kahit na ang pagbawal sa pagpapasok ng ibang tao sa kulungan ng baboy maliban lamang sa caretaker.
Sinundan naman ito na kung mayroong mapansin na may mali sa hayop ay kaagad itong ireport sa Municipal Agriculture Office upang siyasatin ang hayop.
Pang-anim, bago magbenta ng baboy ay dapat muna na pumunta sa tanggapan ng PVO upang siyasatin muna ang baboy pagkatapos ay humingi ng isang sertipikasyon upang patunayan na ang hayop ay malusog.
Panghuli, ipinagbabawal na magpatay ng mga baboy sa loob ng bahay at maaaring gawin lang ito sa itinalagang Slaughter house na matatagpuan sa Purok 16, Brgy. Poblacion, Prosperidad Agusan del Norte
Ang mga hakbang na ito ay sinasabing isang paraan upang matiyak na ang sakit ay hindi kakalat pa at upang matiyak na ang na-import o biniling baboy ay ligtas mula sa African Swine Fever.