Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dapat na mag-provide ng mga personal protective equipment (PPE) ng mga contact tracers sa kanilang lugar.
Paliwanag ni DILG Usec. Jonathan Malaya, ito raw ay dahil ang mga lokal na opisyal ang responsable sa contact tracing programs ng kanilang lokalidad.
Paglalahad pa ni Malaya, ang usapan nila sa mga LGUs ay manggagaling sa DILG ang suweldo ngunit ang mga LGUs naman ang magbibigay ng pang-araw-araw na pangangailangan ng mga contact tracers.
Ayon pa sa opisyal, naipamahagi na raw ng DILG sa kanilang mga regional offices ang sahod ng karagdagang mga contact tracers na kanilang kinuha mula Oktubre 1 hanggang 13.
Sinabi ni Malaya, aabot sa P946-milyon mula sa P5-bilyong pampasahod ang inilabas ng Department of Budget and Management.
Samantala, sinabi naman ni contact tracing czar Benjamin Magalong na nasa 1:7 at 1:9 ang contact tracing ratio ng Pilipinas.
Pero ayon kay Magalong, bagama’t gumaganda na raw ang contact tarcing efforts ng pamahalaan, usad pagong pa rin daw ito.