-- Advertisements --

labor1

Tiniyak ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na prayoridad ng kaniyang administration ang kapakanan at proteksiyon ng manggagawa at siniguro ang puloy na pamamahagi ng ayuda sa mga ito.

Ngayong araw ipinagdiriwang ng Pangulo ang ika-121st Labor Day dahil biyaheng Amerika na ito.

Binigyang-diin ng Chief Executive na kaniyang inatasan ang mga state agencies patuloy na i-improve ang kanilang mga programa.

Partikular na tinukoy ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na manatiling nakatuon sa paghahatid ng maiinam na programang panghanapbuhay, paglinang sa kaalaman at kasanayan ng mga mangagawa.

Kasabay ng paggunita ng Labor Day celebration, inilunsad din ang “Kadiwa ng Pangulo Para Sa Mga Manggagawa” kung saan inikot nito ang nasa 65 businesses at 130 sellers na nakilahok sa Kadiwa.

Sa ngayon nasa kabuuang 300 Kadiwa ng Pangulo stores sa buong bansa.

Namahagi din ang pangulo ng sahod at livelihood projects sa 229, 823 qualified beneficiaries sa buong bansa na nagkakahalaga ng P1.29 billion.

Sa kabilang dako, nasa limang masu swerteng beneficiaries ang nanalo sa raffle at nabigyan ng house and lot ng gobyerno.

Mismo ang Pangulong Marcos ang bumunot ng limang pangalan sa raffle at ang mga ito ay sina Cipriano Basalio, Ana Lara, May Justine Villarin, Heda Villada, at Deborah Romero, sila ay mga beneficiaries ng ibat ibang assistance packages ng Department of Labor and Employment (DOLE) .