-- Advertisements --
pnp chief azurin

Nagpahayag ng katiyakan ang Philippine National Police para sa seguridad at proteksyon sa karapatan ng mga katutubong Pilipino sa bansa.

Kasunod ito ng naging pagbisita ng National Commission on Indigenous People (NCIP) sa pambansang pulisya kasabay ng pagdiriwang ng Human Rights Consciousness Week at ika-74 na anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights.

Sa pangunguna ni Secretary Allen A Capuyan, ang Chairperson ng nasabing komisyon, kasama ang iba pang executives at directors nito mual sa Mindanao Indigenous People Council of Elders and Leaders (MIPCEL), Mindanao Indigenous People Youth Organization (MIIPYO), Mindanao Indigenous People Conference for Peace and Development (MIPCPD) ay tinalakay nila sa pambansang pulisya ang pagbuo ng mga patakaran at aktibong pagtutulungan para sa pagpigil sa mga paglabag sa karapatang pantao sa mga katutubo.

Dito ay kinilala ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga katutubong Filipino pagdating sa paghubog sa kultura at pamana ng ating bansa.

Kasabay ito ng kaniyang pagbibigay pugay at pagpapasalamat sa mga katutubong dahil sa mga naitulong nito sa pagpapalaganap ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad.

Aniya, tinitiyak ng pamunuan ng PNP sa lahat ang isang mapayapa at maayos na bansa kasabay pagsusumikap nito na baguhin ang organisasyon nito para sa mas mahusay na paglilingko at protekyon sa komunidad at gayundin ang pagtitiyak sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Matatandaang kabilang ang Healing and Reconciliation and Operationalization ng 11 Building blocks at Workshops and Ancestral Domain Visitations sa mga kamakailang programa ng mga grupong katuwang ng NCIP na naglalayong i-level-off ang pag-unawa at kahalagahan ng pagpapatakbo ng pagkilala, proteksyon, at pagtataguyod sa mga karapatan ng mga katutubo sa lahat ng stakeholder bilang mga kasosyo para sa kapayapaan, seguridad, at kaunlaran ng buong Pilipinas.