-- Advertisements --

Dumanak na naman ang dugo sa Myanmar matapos muling pinaputukan ng mga tropa ng militar ang mga nagpo-protesta sa nasabing bansa.

Nangyari ang karahasan ng nilusob ng military junta ang protest site sa lungsod ng Kale sa rehiyon ng Siagang kung saan hiniling ng mga demonstrador na ibalik si Aung San Suu Kyi.

burma myanmar

Maliban sa mga namatay, maraming mga protesters ang sugatan sa ginawa ng militar.

May mga sasakyan pa ang sinunog na naka-park sa tabi ng kalsada.

Sa ngayon nasa 581 na ang patay na kinabibilangan ng mga bata matapos pinagbabaril ng tropa ng militar simula ipinatupad ang kudeta habang nasa 3,500 katao ang inaresto ayon sa report ng advocacy group na Association for Political Prisoners (AAPP).

Napag-alaman na ini-isyuhan din ng mga arrest warrants ang daan-daang katao ng bansa na kinabibilangan ng mga influencers, entertainers, artists at musicians. (with report from Bombo Jane Buna)