-- Advertisements --
Czech Republic
Czech Republic

Ilang libong mga mamamayan ng Czech Republic ang nagsagawa ng kilos protesta sa Prague na nananawagan ng pagbaba sa puwesto ni Prime Minister Andrej Babis.

Nahaharap kasi sa criminal investigation si Babis dahil sa alegasyon ng kurapsyon na iniimbestigahan na rin ng European Union.

Mariing pinabulaanan niya ang nasabing alegasyon.

Inaasahan na mahihigitan ang nasabing kilos protesta na isinagawa noong 1989 fall of communism sa bansa.