-- Advertisements --
Ilang libong protesters ang nag-martsa sa kapital city ng Belarus na Minsk.
Patuloy pa rin ang kanilang panawagan sa pagbaba sa puwesto ng kanilang pangulo na si Alexander Lukashenko.
Hindi inalintana ng mga protesters ang dami ng mga armadong kapulisan na humaharang sa kalsada.
Ito na ang pangatlong linggo na isinagawa ang kilos protesta mula ng ideklara ni Lukashenko ang panalo sa halalan.
May ilang protesters ang tinangkang pasukin ang Palace of Independence ang official residence ni Lukashenko sa Minsk subalit hindi nagtagumpay ang mga ito dahil sa daming mga kapulisan ang nakabantay.
Isinabay ang protesta sa ika-66 kaarawan nito.