-- Advertisements --

Isang bystander ang patay matapos pinagbabaril ng mga militar ang mga healthcare workers na nagpo-protesta sa Myanmar habang nakatago naman ang ilang mga protester sa isang mosque.

Sa kabila nang ginawa ng military junta patuloy pa rin ang isinagawang mga protesta lalo pa’t kanselado na ang kanilang festivities na Myanmar New Year holiday of Thingyan.

Naging bayolente ang mga sundalo sa mga medical workers na nagpo-protesta sa pangalawang pinakamalaking lungsod sa Myanmar, ang Mandalay matapos silang pinagbabaril.

Ginawang target din nila ang Sule mosque compound matapos doon nagtatago ang mga protester.

Sa ginawang pamamaril, isang 30-anyos na lalaki na nakatira sa compound ang namatay umano matapos matamaan sa kaniyang dibdib habang dalawa naman ang sugatan na patuloy pang ginagamot sa hospital.

Nasa anim naman na nurse at doktor ang inaresto ng junta dahil sa nasabing protesta. (with report from Bombo Jane Buna)