-- Advertisements --
Ilang libong katao ang nagsagawa ng kilos protesta dahil sa reklamo umano sa naganap na dayaan sa halalan.
Tinawag na “March for Freedom” ang isinagawa ng mga kumokontra kay Belarusian President Alexander Lukashenko.
Itinuturo kasi ng mga protesters na si Lukashenko ang nasa likod ng pandaraya sa halalan at ang pag-utos sa mga kapulisan na isagawa ang ibang mga karahasan.
Sa kaniyang talumpati, tinawag ng Belarusian President na isang daga ang mga protesters na sumisira sa kanilang bansa.
Nanawagan ito sa kaniyang mga supporters na ipagtanggol ang kanilang bansa at kalayaan.