-- Advertisements --
hong kong protest rally 1

NAGA CITY – Nagdududa na ngayon ang ilang protesters sa tila “police brutality” na umanong nangyayari sa gitna ng malawakang protesta sa Hong Kong matapos na makapagtala ng maraming sugatan nitong nakaraang weekend.

Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong ikinagalit lalo ng mga nagpo-protesta ang ginagawang hakbang ngayon ng mga otoridad kung saan maging mga inosente umanong tao ay nadadamay na.

Kuwento ni Sadiosa, maging sa mga train terminal ay hinahabol ng tear gas ng otoridad ang mga pauwing protesters kung saan may mga lulang tao na hindi naman aniya kasali sa mga nagpo-protesta.

Napag-alaman na alinsunod umano sa batas sa Hongkong ay ipinagbabawal ang pagpapasabog lalo na sa mga underground kung saan dumadaan ang mga tren.

Kaugnay nito, naniniwala aniya ang mga protesters na may mga kasama na ang Hong Kong police na mula sa mainland China.

May ilan pa umanong police na nakasuot na rin ng itim na damit at nakikisali sa gitna ng protesta kung sa oras nang paghuhuli ay nasa gitna na mismo ito ng protesta.

Ani Sadiosa, nang may makausap ang mga media sa nasabing mga pulis, tumanggi umano ang itong magsalita at ipinapaubaya sa police investigation ang pagsagot sa mga katanunangan ng mga mamahayag.