-- Advertisements --

Hindi pa rin tumigil ang mga protesters sa Kenya kahit na binawi na ng President William Ruto ang panukalang batas na dagdag buwis sa mga bilihin.

Ilang daang mga protesters ang nagtungo sa mga kalsada at ipinanawagan ang pagbaba sa puwesto ng pangulo.

Agad naman na hinarang ng mga sundalo at mga kapulisan ang central business district sa Nairobi matapos ang tangkang paglusob ng mga protesters.

Hindi gaya sa nauna ay mas kaunti ang mga nagkilos protesta pero mas naging marahas dahil nasa mahigit 20 katao ang nasawi.

Ikinabahala ng Kenya National Commission for Human Rights (KNCHR) ang paggamit ng armas ng mga kapulisan para itaboy ang mga protesters.

Ipinaglalaban ngayon ng mga protesters ang mabigyan ng hustisya ang mga nasawing kasamahan nila.