-- Advertisements --

Pinaulanan ng tear gas ng mga otoridad at nagpatupad din ng curfew ang mayor laban sa mga galit na protesters sa Brooklyn Center, Minneapolis.

Ito ay may kaugnayan sa nangyaring tensiyon sa nasabing lugar matapos binaril ng isang police ang Black American na si Daunte Wright, 20, sa isang traffic stop.

Sinabi ni Minnesota Governor Tim Walz, mahigpit niyang mino-monitor ang sitwasyon at ipinapanalangin ang pamilyang Wright.

Una rito, hinuli ng Brooklyn Center Police Department si Wright matapos makaggawa ng traffic violation at pinaniniwalaan na ito ay may oustanding arrest warrant.

Sinubukan ng mga police na hulihin ang suspek ngunit bigla itong sumakay sa sasakyan dahilan upang binaril ng otoridad ang driver na nagmaneho ng sasakyan.

Sugatan din ang kasintahan ni Wright na sakay sa nasabing sasakyan .

Depensa ng mga pulis, may suot silang body cameras at activated ang dash cameras nang mangyari ang komosyon na nagresulta sa pamamaril. (with report from Bombo Jane Buna)