-- Advertisements --

Ilang libong katao ang nagsagawa ng kilos protesta sa France bilang pagsuporta sa pinugutan na guro.

Isinagawa ang protesta sa Place de la République sa Paris para kondinahin ang pagpatay kay Samuel Paty.

May dalang mga karatulang nakasulat ang “I am a Teacher” sa salitang France.

Magugunitang pinugutan ng suspek na si Abdoulakh si Paty matapos na ipakita sa kaniyang mga estudyante ang guhit nitong cartoons ni prophet Muhammad.

Napatay ng mga kapulisan ang suspek ng sila ay magresponde.

Umabot sa 11 katao na ang naaresto na pawang mga kamag-anak ng suspek na itinuturing na radical Islamist.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing insidente.