-- Advertisements --
Ilang libong katao sa Israel ang nagsagawa ng kilos protesta.
Ikinagalit nila ang hindi magandang paghawak ng gobyerno sa coronavirus crisis.
Kahit na nakasuot ng face mask sa Rabin Square ang mga nagsagawa ng kilos protesta ay hindi naman naobserbahan ang social distancing.
Inorganisa ng mga maliliit na negosyante, self-employed workers at mga performing artist group.
Mula ng magpatupad ng strict lockdown ang gobyerno noong kalagitnaan ng Marso ay tumaas ng 21% ang nawalan ng trabaho.
Tiniyak naman ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na kaniyang matutugunan ang kahilingan ng mga nagsagawa ng kilos protesta.