-- Advertisements --

Nagsagawa ng malawakang kilos protesta ang maraming mamamayan sa 50 estado ng US laban kay US President Donald Trump at Elon Musk.

Maging sa ibang bahagi ng mundo ay may mga kahalintulad ring aktibidad.

Ito ay inorganisa ng pro-democracy movement bilang tugon sa umano’y “hostile takeover” at pag-atake sa American rights at freedom.

Partikular na inilunsad ang mga pagkilos sa state capitol, federal buildings, congressional offices, Social Security headquarters, parks at city halls sa buong Amerika.

Halos 600,000 din ang lumagda para dumalo sa nasabing events kung saan ang iba ay isinagawa ang rally, kabilang na rin sa major cities tulad ng London at Paris.

Kahilingan ng mga ito na tapusin ang tinawag nilang ‘billionaire takeover’, talamak umanong korapsyon, pagbawas sa federal funds para sa Medicaid, Social Security at iba pang programa, gayundin tapusin ang pag-atake sa mga imigrants at ‘trans’.

Pero una na itong minaliit ng kampo ni Trump, at sinabing magpapatuloy ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon.