Muling nagkasagupa ang mga protesters at mga Hong Kong police sa bisperas ng Pasko.
Gumamit na ng tear gas at pinagpapalo ng baton ng mga kapulisan ang mga protesters sa loob ng Harbour City ang sikat na mall sa Tsim Sha Tsui.
Maraming mga protesters din ang naaresto dahil sa pagiging marahas ng mga ito.
Sumiklab lamang ang kaguluhan ng madiskubre ng mga protesters ang paghalo sa kanilang grupo ng mga naka-sibilyan na kapulisan.
Maraming mga malls kasi sa Hong Kong ang ginagamit ng mga protesters ng mahigit na anim na buwang kilos protesta na nagmula dahil sa kontrobersyal na extradition bill.
Inaasahan na rin ng mga kapulisan na mauulit ang kilos protesta sa pagsalubon ng Bagong Taon.
Aabot na sa mahigit 6,000 katao ang naaresto mula ng sumiklab ang kilos protesta sa loob ng anim na buwan kung saan maliban sa pagkontra sa naibasurang extradition bill ay nais nilang bumaba na sa puwesto si Hong Kong leader Carrie Lam.