-- Advertisements --
Subway protesters
Hong Kong subway/ Twitter Image

Sumiklab muli ang kaguluhan sa Hong Kong subway station.

Ilang daang mga protesters ang nagtipon-tipon sa Yuen Long MTR station bilang isang-buwang anibersaryo ng pag-aatake ng mga grupo sa kanila sa nasabing lugar.

Nagsagawa ng moment of silence sa station sa New Territories ng northwest Hong Kong ng biglang may mga nagtapon ng mga basurahan.

Itinumba ng mga grupo ng kalalakihan ang ilang vending machines at mga carts na ginawang barikada sa inaasahang kumprontasyon sa mga kapulisan.

Hong Kong Police
Hong Kong Police/ Twitter image

Umabot naman sa dalawang oras ang nasabing kaguluhan hanggang mapayapang nakaalis ang mga nagsagawa ng kilos protesta.

Bukod kasi sa kontrobersyal na extradition bill ay ipinapanawagan ng mga protesters ang malawak na demokrasya sa semi-autonomous city na hawak ng Britanya hanggang maipasakamay sa China noong 1997.