-- Advertisements --

All set na sa pagbibigay seguridad ang Phil Army para sa ika-100th birthday celebration ng yumaong dating pangulo na si Ferdinand Marcos ngayong araw.

Ayon kay Phil. Army spokesperson Lt. Col. Ray Tiongson,  ang nasabing okasyon ay family affair na ang ibig sabihin isang pribadong okasyon ito.

Tinanggihan naman ng pamilya Marcos na magkaroon ng media coverage.

Inihayag ni Tiongson na walang security adjustment na ipapatupad ang Philippine Army sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City sa paggunita ng centennial birthday ng dating pangulo.

Tiniyak naman ni Tiongson na magde-deploy din sila ng sapat na pwersa ng mga sundalo para tumulong sa anti-riot police kung kinakailangan.

Hindi naman batid ng Phil. Army ang mga gagawing aktibidad.

Ayon Kay AFP public affairs chief Marine Co.l Edgard Arevalo, dahil sa ikinokonsiderang “hallowed ground” ang Libingan ng mga Bayani kaya bawal magsagawa ng rally sa loob ng sementeryo.

Bukod dito, kahilingan ng pamilya Marcos na maging private lang ang event na idaraos sa Libingan ngayong umagang na ito.

Sinabi pa ni Arevalo na ang pagbabawal na ito ay istriktong ipatutupad ng Philippine Army na siyang custodian ng Libingan ng mga Bayani at in-charge sa physical security sa loob ng grounds.

Makatutuwang aniya ng Philippine Army sa pagbibigay ng seguridad ang Philippine National Police na siya namang bahala sa perimeter security.

May protocol aniya na susundin ang AFP dahil pribado pagdiriwang ito.

Ang ibig sabihin ay ang pamilya Marcos ang magpapasya kung sino lamang ang papasukin sa event.