-- Advertisements --
Seattle mayor jenny durkan
Seattle Mayor Jenny Durkan

Nagbanta ngayon ang mayor ng estado ng Seattle na ipapabuwag na niya ang sapilitang itinayo ng mga nagpoprotesta na “Capitol Hill Organized Protest” o “CHOP.”

Kung maaalala noong nakaraang linggo nagsilayas sa kanilang mga puwesto ang mga pulis nang sumalakay ang mga protesters at nagdeklara ng “police-free zone.”

Nagsalita naman ngayon si Seattle Mayor Jenny Durkan na pababalikin na niya ang mga pulis upang irekober ang mga presinto at buwagin ang mga barikada.

Dalawang linggo na ring inuukupahan ng mga protesters ang police station sa Capitol Hill.

Naalarma na rin kasi ang mayor dahil sa dalawang insidente ng pamamaril na ang isa ay nauwi sa deadly incident.

“The cumulative impacts of the gatherings and protests and the nighttime atmosphere and violence has led to increasingly difficult circumstances for our businesses and residents,” ani Durkan sa news conference. “There should be no place in Seattle that the Seattle Fire Department and the Seattle Police Department can’t go.”

Bago ito nahaharap sa matinding pressure ang mga lokal na opisyal ng Seattle nang manawagan sina US President Donald Trump at ang governor na pahupain ang sitwasyon bago mauwi sa anarkiya ang estado.

Ang mga nag-ukupa ay mapayapa naman pero namamayani na rin ang tensiyon sa ilang mga residente lalo na sa gabi dahil wala na ang mga peace officers.