-- Advertisements --
Dumami pa lalo ang mga sumali sa kilos protesta sa Belarus matapos na nagpahayag ang Russia ng tulong.
Inukopa ng mga ilang libong protesters ang capital city na Minsk para ipanawagan kay President Alexander Lukashenko ang pagsasagawa muli ng halalan.
Inirereklamo kasi ng mga protesters na nagkaroon ng malawakang dayaan ang halalan.
Nakuha kasi ni Lukashenko ang 80.1 percent na boto laban sa kalaban nitong si Svetlana Tikhanovskaya na mayroong 10.12% lamang na boto ang nakuha.
Mula pa noong 1994 ay nananatili sa kapangyarihan ang nasabing pangulo.
Nanawagan pa ang pangulo sa kanilang mga supporters na ipagtanggol ang kanilang karapatan at kapayapaan.
Nakahanda naman ang Russia na tumulong base na rin sa collective military ng dalawang bansa.