-- Advertisements --

Napilitang isara ang pangunahing kalsada sa Lebanon matapos na okupahan ito ng mga anti-government protesters.

Pinagbabato pa ng mga ito ang mga military forces habang tinangka ng iba na makatawid sa security fence sa labas ng opisina ng prime minister.

Maging ang main coastal highway ay isinara sa pamamagitan ng pagsunog ng gulong sa north at south ng capital.

Labis kasi na ikinagagalit ng mga mamamayan doon ang pagtaas ng bilang ng walang trabaho at pagsasara ng mga negosyo.

Inakusahan din nila si Prime Minister Hassan Diab, na walang ginagawang anumang paraan para matigil ang nasabing problema.