-- Advertisements --

Hinarang ng ilang daan protesters ang malaking bahagi ng Yangon sa Myanmar.

Itinuturing na ito na ang pinakamalaking kilos protesta na isinagawa mula ng kunin ng militar ang pamumuno sa kanilang lider na si Aung San Suu Kyi noong Pebrero 1.

Nanawagan ang mga protesters ng pagpapalaya kay Suu Kyi.

Ilan sa mga lugar kung saan isinagawa ang kilos protesta ay sa Hledan, Central Bank, US embassy at UN office.

Nagbabala naman si UN Special Rapporteur sa Myanmar na si Tom Andrews na posibleng lumala pa ang kilos protesta sa nasabing bansa.

Tiniyak naman ng military na magiging disiplinado na sila at irerespeto ang ginagawang kilos protesta ng mga tao.