-- Advertisements --
Ilang libong mga protesters sa Sudan ang nagtungo sa presidential palace sa Khartoum at nanawagan sa military na ikontrol na ang bansa.
Ito ay dahil sa patuloy na nakakaranas daw ng pinakamalaking political crisis ang kanilang bansa.
Noong Setyembre ay nabigo ang planong kudeta laban kay President Omar al-Bashir.
Nanawagan ang mga ito kay General Abdel Fattah al-Burhan ang namumuno sa armed forces at joint military-civilian Sovereign Council na simulan na ang kudeta para mapatalsik ang namumuno sa gobyerno.
Nagsimula ang krisis matapos na ipinatupad ni Bashir ang pagbabago sa military, isyu sa hustisya at ang pagtanggal sa mga financial apparatus.