-- Advertisements --

Nagmartsa patungong military barracks ang mga protesters sa Thailand.

Ito ay para iprotesta ang personal na pagkontrol sa sundalo ni King Maha Vajiralongkorn.

Ang nasabing hakbang ay siyang panibagong insidente na ginawa ng mga protesters para kuwestiyunin ang pangingialam ng hari sa gobyerno.

Agad naman na pinigilan ng mga sundalo na makalapit pa lalo ang mga protesters sa pamamagitan ng paglalagay ng harang.

Nakikita kasi ng mga protesters na piapalawak ng monarchy ang kanilang kapangyarihan.