-- Advertisements --

Hindi pa rin nagpatinag ang mga protesters sa Bangkok, Thailand na lumusob sa kalsada kahit na may kautusan ang gobyerno nila ng pagbabawal ng pagsasagawa ng demonstration.

Marami sa kanila ang nagsagawa ng three-finger salute ang simbolo ng protest movement.

Nanawagan din ang mga ito ng pagpapalaya sa mahigit 20 aktibista na inaresto nitong Huwebes.

Matapos ang ilang oras na pagsasagawa ng kilos protesta ay babalik din sila mamayang ala-singko ng hapon.

Nananawagan ang mga ito ng pagbibitiw sa puwesto ni Prime Minister Prayuth Chan-ocha ang dating army chief na namuno sa kudeta noong 2014 at umupo sa puwesto noong nakaraang taon.