Ilulunsad ang provincial action plans sa 10 probinsiya sa bansa na sumasaklaw sa buong West Philippine Sea ngayong buwan ng Mayo.
Ito ay bilang suporta sa pagsisikap ng pamahalaan sa gitna ng mga tensiyon sa naturang karagatan.
Ayon kay DILG ASec. for International relations Lilian de Leon, ang mga probinsiyang Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Batanes, Bataan, Zambales, Batangas, Palawan at Occidental Mindoro ay bumalangkas na ng kani-kanilang action plans kaugnay sa WPS.
Sisimulan ang roll out ng naturang provincial action plans ngayong May 2024 para sa pagpapatupad, pagpapagana at institutionalizaton ng kasunduan sa ginanap na kauna-unahang National Summit for the WPS na naglalayong palakasin ang lokal na liderato at governance gayundin ang mga komunidad.
Mahigit 500 opisyal mula sa 115 munisipalidad at 9 na siyudad sa 10 probinsiya, civil society groups at miyembro ng academe ang dumalo sa summit.