CENTRAL MINDANAO- Idineklarang persona non grata ng Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato ang itinalagang Provincial Administrator ni Governor Nancy Catamco na si Basilio “Jun”Obello Jr.
Pangalawang pagkakataon ay hindi inaprubahan ng SP-Cotabato si Obello bilang Provincial Administrator.
Ayon sa SP-Cotabato ang kawalan ng paggalang at pag-atake sa integridad ng isang mataas na pagpapahalaga sa institusyon ay ang pangunahing batayan ng Sangguniang Panlalawigan sa pagtanggi sa rekomendasyon at pag-endorso kay Basilio E. Obello, Jr bilang Provincial Administrator ng Cotabato sa pangalawang pagkakataon.
Sa pagprotekta sa integridad at reputasyon ng institusyon, ang Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato ay napilitang ideklarang Persona Non Grata si Obello.
Ang sama-samang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan ay nagmula sa mga nakakahamak at mapanirang pahayag ni Obello laban sa Sangguniang sa dalawang magkakahiwalay na insidente – una, sa isang programa sa radyo at pangalawa, sa panahon ng flag ceremony sa Provincial Gymnasium.
Malungkot na inakusahan at binastos ni Obello ang institusyon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga pahayag: “gipaksian ang iyahang dokumento” at “ang inyong kabright kabogo lang naku na”.
Iginiit pa ni Obello na ang pagtanggi sa kanyang appointment ng Sangguniang Pasnlalawigan ay may halong pulitika at inakusahan pa ang karibal sa politika ni Governor Catamco na gumastos ng milyun-milyon para lamang siya idiin.
Ang Sangguniang Panlalawigan ay hindi papayagan ang sinuman sa kagustuhan ni Obello na atakihin at ipukaw ang mabuting reputasyon nito.
Humahanap ito ng pagpapatunay upang maibalik ang respeto sa institusyon at mapanatili ang integridad nito.
Nilinaw ng SP Cotabato na ang ginawa ni Obello ay maliwanag na pambabastos sa kanilang kakayahan at integridad kung saan hindi siya karapat-dapat at kwalipikado na maging isang ganap na Administrador ng Lalawigan ng Cotabato.
Agad namang humingi ng paumanhin o public apology si Obello sa binitiwan nitong salita laban sa SP Cotabato.